Beta variant ‘most ‘common’ sa sequenced samples — DOH

Beta variant ‘most ‘common’ sa sequenced samples — DOH

July 7, 2021 @ 1:07 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Iniulat na ang Beta variant ang “ most common” variant sa  coronavirus disease (COVID-19) positive samples na sinusuri sa genome sequencing, batay sa Department of Health (DOH).

“[Ito] na po ang pinaka karaniwan ngayon na nakikita sa biosurveillance, umaabot po ng 21.1 percent nationally of all the specimens sequenced,” lahad ni DOH Secretary Francisco Duque III sa televised Cabinet briefing.

Ang Beta variant ay kilala rin na B.1.351 na unang natukoy sa South Africa noong Mayo 2020.

Sinundan ito ng Alpha variant o ang  B.1.1.7 na nagrerepresenta ng 18.53 percent ng lahat ng sequenced samples sa buong bansa.

Nagmula naman ito sa United Kingdom noong September 2020.

Batay sa kamakailang biosurveillance report ng Philippine Genome Center (PGC), natukoy ang kabuuang 1,386 kaso ng Beta variant; 1,217 kaso ng Alpha;19 kaso ng Delta (B.1.617.2); at dalawang kaso ng Gamma (P.1).

Samantala, mayroon namang 166 kaso ng Theta (P.3) variant na ikinokonsiderang “variant of interest.” RNT/FGDC