Beta variant pinakamaraming kaso ng COVID strain sa Pinas

Beta variant pinakamaraming kaso ng COVID strain sa Pinas

July 7, 2021 @ 7:36 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang Beta variant ng coronavirus ang pinaka-karaniwan ngayong nakikita sa biosurveillance.

Ang variant aniya na ito ay unang namataan sa South Africa.

“Siya na po ang pinakakaraniwan ngayon na nakikita sa biosurveillance… Ito na po ang pinaka-common na variant,” ayon kay Duque sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ani Duque, may kabuuang 21.11% ng Beta variant sa buong bansa.

Ito aniya ay namataan sa isang rehiyon.

Sinundan naman ito ng Alpha variant (United Kingdom lineage) na mayroong 18.53% sa buong bansa.

“The detection of variants of concern in the provinces of Bohol and Negros Oriental “may explain sudden case increases in these areas,” ayon naman sa summary ng DOH report na ipinrisinta ni Duque.

May ilang lugar naman sa Visayas at Mindanao ay nakitaan ng pagtaas ng bilang ng kaso subalit sinabi ng DoH na may ilang factors ang maaaring dahilan ng bagay na ito kabilang na ang pagiging kampante sa pagsunod sa health protocols.

At nang tanungin naman ni Pangulong Duterte si Duque kung ang nasabing variants ay makagagawa ng “new wave of infection,” inamin ni Duque na posible ito lalo na kapag tumaas ang “mobility at poor compliance” sa minimum health standards.

“We have to really implement our (Prevent-Detect-Isolate- Treat-Reintegrate) strategy plus vaccination to be able to keep our cases down and manage them while we are safely opening up the economy,” giit ni Duque.

Muling tinanong ni Pangulong Duterte ang Kalihim kung kailangan na higpitan ang border controls dahil sa new variants, ang sagot naman ni Duque ay epektibo ang Pilipinas na mapigilan ang pagpasok ng bagong variants gaya ng Delta ” habang ipinatutupad ang “stricter border measures.”

Sa ngayon ay wala pang ebidensiya ang bansa na mayroon ng kaso ng Delta variant.

“We have been effective in preventing the introduction of the Delta variant into households and into communities and we hope to keep it that way,” ayon kay Duque. Kris Jose