Beteranong mediaman itinalaga ni PBBM na SBMA BOD

Beteranong mediaman itinalaga ni PBBM na SBMA BOD

December 29, 2022 @ 7:56 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang veteran mediaman nansi Edelberto Salgo Mozo bilang isa sa mga Board of Directors ng Subic Bay Metropolitan Authority o SBMA.

Itinalaga si Mozo bilang kinatawan ng business & investment sectors.

Sa harap ni Department of Justice Senior Deputy State Prosecutor Miguel Gudio, Jr. ay nanumpa sa tungkulin si Mozo.

Sa ulat, napag-alaman na si Mozo ay halos tatlong dekada na sa larangan ng pamamahayag.

Samantala, nangako naman si Mozo na gagampanan niya nang buong puso ang kanyang bagong tungkulin para sa mga mamamayan at bayan. RNT