Beteranong player itatapon ng team

Beteranong player itatapon ng team

June 2, 2021 @ 9:10 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Mapapaso na ang kontrata ng beteranong  player sa kanyang team ngayong Oktubre, ngunit hindi nagpaparamdam ang management sa kanya kung may plano bang  i-renew ang kanyang kontrata sa team.

Ilang beses nang nagsasabi ang basketbolista na magre-renew na ito ng kontrata sa team pero dedma lang ang management at team owner.

Usap-usapan nga na hinahanapan na ng trade ang franchise player dahil sa laki ng sahod nito. Medyo kapos sa budget ang koponan kaya kailangan nilang bitiwan ang player.

May nagkaka-interest sa extra rice player kaya lang ang problema ay hindi alam ng team na nagkaka-interest sa kanya kung sino ipapalit na player.

Ayon sa insider ng Remate, bago magsimula ang 46th season ng PBA ay posibleng ma-trade na ang player sa team na hawak ng dati nitong coach. Hula whoops? Dwayne Rituel