BFAR: 5 lugar positibo sa red tide

BFAR: 5 lugar positibo sa red tide

July 3, 2022 @ 3:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nagpositibo ang limang lugar sa toxic red tide na lampas sa regulatory limit, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Nag-abiso ang BFAR nitong Biyernes sa publiko na huwag munang kumain ng shellfish mula sa limang lugar na nagpositibo sa red tide.

Kabilang ang mga sumusunod na lugar sa mga nadiskubreng positibo sa paralytic shellfish poison (PSP) o toxic red tide na lampas sa regulatory limit hanggang nitong Hunyo 30, ayon sa laboratory results na isinagawa ng BFAR at local government units:

  • coastal waters ng Milagros in Masbate;

  • coastal waters ng Dauis and Tagbilaran City sa Bohol;

  • Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur;

  • Litalit Bay, San Benito sa Surigao del Norte; at

  • Lianga Bay sa Surigao del Sur.

 Inilahad ng BFAR na ang shellfish at alamang (Acetes sp.) mula sa mga nabanggit na lugar “are NOT SAFE for human consumption.”

Subalit nilinaw ng ahensya na ang mga isda, pusit, hipon, at alimango mula sa mga lugar na ito ay ligtas kainin hangga’t ito ay sariwa at hinugasang mabuti, at kailangang ding tanggalan ng hasang at lamang-loob bago iluto. RNT/SA