BFAR: 9 coastal areas sa VisMin positibo sa toxic red tide

BFAR: 9 coastal areas sa VisMin positibo sa toxic red tide

October 23, 2022 @ 5:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Siyam na coastal areas sa Visayas at Mindanao ang nagpositibo sa paralytic shellfish poison (PSP) o toxic red tide na lampas sa regulatory limit, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Sa shellfish bulletin na may petsang Oktubre 21, inihayag ng BFAR na lahat ng uri ng shellfish at acetes, na mas kilala sa tawag na alamang, na nakolekta mula sa mga sumusunod na lugar ay hindi ligtas kainin:

  • coastal waters ng Milagros sa Masbate;

  • Sapian Bay (Ivisan and Sapian) sa Capiz;

  • coastal waters of Roxas City sa Capiz;

  • coastal waters of President Roxas sa Capiz;

  • coastal waters of Panay sa Capiz;

  • coastal waters of Pilar sa Capiz;

  • coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol;

  • Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur at;

  • Lianga Bay saSurigao del Sur.

Subalit, inihayag ng ahensya na ligtas kainin ang iba pang seafood maliban sa shellfish na nakolekta mula sa mga nabanggit lugar.

“Fish, squids, shrimps, and crabs are safe for human consumption provided that they are fresh and washed thoroughly, and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking,” ayon sa BFAR. RNT/SA