BFAR nagbabala sa nakalalasong alimasag

BFAR nagbabala sa nakalalasong alimasag

February 23, 2021 @ 8:25 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region II sa mga residente laban sa nakalalasong alimasag na ikinasawi ng ilan kamakailan.

Maaalalang dalawa ang nasawi sa Zosimus aeneus o devil reef crab sa Sta. Ana, Cagayan.

“Isa po siyang nakakalason na crab. Nagtataglay ito ng mga toxins, for example, neurotoxins, mayroon siya saxitoxin which is kapag nakain itong crab na ito ay talagang magdudulot po ng food poisoning,” pahayag ni BFAR Region II officer-in-charge Dr. Jefferson Soriano.

“Base kasi sa sinubmit sa ating samples, maaaring itong species na ito ay naihalo doon sa mga nakuha nila so hindi nila na-identify, na-distinguish itong crab na ito which is poisonous.”

“The last time is ‘yong ‘buging’ which is isang klase ng goby fish naman which is pareho lang silang nagtataglay ng lason,” pahayag pa nito.

Ilan sa sintomas ay ang mga sumusunod:

  • pamamanhid ng dila

  • paralysis sa kamay at paa

  • hirap sa paghinga

RNT/FGDC


  •  
  •  
  •