BFAR naglabas ng red tide warning sa ilang mga lugar

BFAR naglabas ng red tide warning sa ilang mga lugar

August 11, 2018 @ 3:06 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Itinaas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang red tide warning sa ilang mga lugar sa Surigao del Sur, Bohol, Palawan at Eastern Samar.

Dahil dito, ayon kay BFAR director at Agriculture Undersecretary for Fisheries Eduardo Gongona, hindi ligtas kainin ang mga shellfish at alamang matapos makumpirma ang red tide toxin sa mga nasabing lugar.

Kabilang ang mga sumusunod na lugar sa mga isinailalim sa red tide warning:

  • Hinatuan Bay, Surigao del Sur
  • Lianga Bay, Surigao del Sur
  • Coastal waters ng Dauis, Bohol
  • Coastal waters ng Tagbilaran City, Bohol
  • Puerto Princesa Bay, Palawan
  • Honda Bay, Palawan
  • Matarinao Bay, Eastern Samar.
  • Bagama’t maaring kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimango na nakukuha sa nasabing mga lugar, kailangan lang anila na sariwa at nahugasan itong mabuti.

Nagpaalala rin ang BFAR na dapat linising mabuti ang mga isda na magmumula dito at alisin ang mga lamang loob nito bago iluto.  (Remate News Team)