BFAR nauubusan ng suplay ng mosquito fish

BFAR nauubusan ng suplay ng mosquito fish

August 11, 2018 @ 6:11 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Nauubusan na ng suplay ng mosquito fisn ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) dahil sa dami ng lugar na humihingi nito.

Sa report, halos naipamigay na sa mga lugar na binaha ngunit may mga stagnant water pa rin ang nasabing mga isdang kumakain ng larvae ng lamok.

Ito ang naging solusyon ng Department of Health (DOH) at BFAR Research Center sa lumalalang kaso ng dengue virus sa bansa.

Ayon kay BFAR-RC chief Westly Rosario, halos wala na silang makuhang mosquito fish dahil kahit at mga fishponds at kanal ay binaha rin.

Hindi umano sila sigurado kung kailan uli sila makakakuha ng mosquito fish kaya kailangang humanap muna ng ibang paraan upang makaiwas sa dengue.

Matapos maging epektibo sa Dagupan City, humihingi rin ng mosquito fish (Gambusia affinis o tuyong o kataba)sa BFAR (Gambusia affinis) ang iba pang bayan sa Pangasinan na lumubog din sa baha.

Ang mosquito fish umano ang pinakaepektibong biological control mechanism laban sa dengue, dahil sa mabilis nilang pagkain sa kiti-kiti o mosquito larvae.

Kaya umanong umubos ng isang isda sa loob ng isang araw, napakaraming kiti-kiti kaya hindi na sila nagiging lamok.

Sa kasalukuyan, kinukunsiderang isa sa pinakamalaking problema ng bansa ang dengue virus na naging mas kontrobersyal pa dahil sa umano’y nakamamatay na dengvaxia vaccine. (Nenet L. Villafania)