BFAR: Walang ‘national scale’ fish shortage

BFAR: Walang ‘national scale’ fish shortage

March 18, 2023 @ 1:13 PM 5 days ago


MANILA, Philippines- Hindi nakikita ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)  na  magkakaroon ng pangmalawakang kakulangan sa suplay ng isda dahil sa nangyaring oil spill sa Oriental Mindoro.

Sa katunayan, sapat  ang suplay ng isda para ngayong Mahal na Araw.

Ito’y kung sakali’t may maghanap o mag-demand ng mataas na dami nito.

Anito, ang fishing grounds sa bansa ay muling nagbukas matapos ang periodic closure nito kung saan pinapayagan na ma-reproduce ang fish species.

Iyon nga lamang ayon kay  BFAR spokesperson Nazario Briguera, maaaring magresulta  ng mababang fish output ang oil spill sa Oriental Mindoro at kalapit-lalawigan kasunod ng patuloy na pagtagas ng industrial oil mula sa lumubog na  MT Princess Empress.

Sa ulat, ang lalawigan ng  Oriental Mindoro, Palawan, at Antique ay nakapagtala ng 10.5% noong 2021 at 10.2% noong 2022 para sa  kabuuang  fisheries production sa Pilipinas.

Ang tatlong lalawigan ay mayroong pinagsama-samang produksyon nng 443,212.04 metriko tonelada ng pangisdaan kabilang na ang isda, algae, crustaceans, at mollusks,  bukod pa sa iba sa aquatic flora at fauna – noong 2022, mababa ng 0.2% kumpara sa 444,304.62 metriko tonelada na na-produced noong  2021.

Sa ulat, ang Palawan ang pang-apat na lalawigan na mayroong mataas na  volume ng round scad o galunggong na na-produced noong 2022 na mayroong  8,156.90 metriko tonelada, o  4.67% ng kabuuang 174,710.58 metriko tonelada ng galunggong production sa buong bansa.

Sa kabilang dako, ang Antique ay pumwesto naman sa pang-10 ranggo sa galunggong production na may 1.8% o 3,144.54 metriko tonelada na na-produced. Ang Oriental Mindoro ay pumwesto naman sa pang-31 na may  999.23 metriko tonelada ng galunggong produced o 0.57% ng kabuuang  produksyon.

Samantala, nangako naman si  BFAR said National Director Demonsthenes Escoto ng inisyal na P4 milyong piso para sa fisherfolk livelihood intervention. Kris Jose