BFP nagpatrulya sa residential areas; pagsunod sa firecracker rules siniguro- spox

BFP nagpatrulya sa residential areas; pagsunod sa firecracker rules siniguro- spox

December 30, 2021 @ 4:50 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Nagsasagawa ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng pagpapatrolya sa residential areas upang tingnan kung sumusunod ang mga residente sa mga regulasyon ukol sa paggamit ng paputok, ayon sa tagapagsalita nito ngayong Huwebes.

Sa Laging Handa public briefing, inilahad ni BFP spokesperson Fire Superintendent Annalee Carbajal-Atienza na sinimulan nila ang Oplan Ligtas na Pamayanan nitong Miyerkules, kung saan kabilang dito ang regular na pag-iikot.

“Pipilitin po natin na masuyod po talaga lahat ito at full force naman po ang ating operations sa pag-ikot gabi-gabi,” aniya.

Patuloy ng tagapagsalita, katuwang ng BFP ang barangay officers sa pagsasagawa ng patrol operations.

Matapos ang inspeksyon sa mga tindahan ng paputok, sinabi ni Atienza said na sumusunod naman ang mga nagtitinda sa mga alituntunin.

Aniya, walang naiulat na sunog na dulot ng paputok noong isang taon. Dagdag niya, ang mga ordinansa ng lokal na pamahalaan ukol sa pagbabawal ng paggamit ng paputok ay nakatulong sa pagsisiguro ng kaligtasan ng publiko.

Sa kasalukuyan ay 26 indibidwal na ang naiulat ng Department of Health na naputukan ng boga, five star, piccolo, triangle, whistle bomb, baby rocket, kwitis, at iba pang imported firecrackers. RNT/SA