BFP nakapagtala ng halos 2,000 sunog noong Enero

BFP nakapagtala ng halos 2,000 sunog noong Enero

March 2, 2023 @ 6:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala na ng kabuuang 1,984 fire incidents sa bansa mula Enero, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) nitong Huwebes.

“From January 1 to March 1, nagkaroon na po tayo ng 1,984 sa ngayong taon po,” ani BFP spokesperson Fire Superintendent Annalee Atienza sa televised public briefing.

Idinagdag niya na batay mas mababa ng 21 porsyento ang pinakabagong datos kumpara noong nakaraang taon, kung saan nakapagtala ng 2,520 fire incident.

Inihayag din ni Atienza na karamihan sa fire incidents ay dulot ng electrical ignition na kaugnay ng paggamit ng appliances at extension wires maging poor maintenance ng electrical wiring.

Samantala, ayon kay Atienza, ilang local government units ang wala pang fire trucks at active fire stations. Dahil dito, sinabi niya na nangangailangan ang BFP ng 168 fire trucks at 2,352 tauhan.

Sa kasalukuyan ang BFP ay may 34,363 tauhan kabilang ang non-uniformed personnel.

Sisimulan ng BFP ang modernization program nito ngayong taon at makukumpleto sa loob ng 10 taon, base sa BFP official.

Nitong Miyerkules, binuksan ng BFP ang Fire Prevention Month sa isang seremonya, noise barrage, at motorcade. Ani Atienza, ipagdiriwang ang okasyon sa iba’t ibang rehiyon. RNT/SA