BFP personnel na nagtitinda ng fire extinguisher binalaan ni Abalos

BFP personnel na nagtitinda ng fire extinguisher binalaan ni Abalos

October 13, 2022 @ 8:56 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagbabala si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos laban sa mga tauhan ng Bureau of Fire Protection na nagbebenta ng fire extinguisher sa mga aplikante ng fire safety permit.

Ani Abalos kasabay ng Kapihan sa Manila Bay forum, agad siyang maglalabas ng memorandum circular tungkol sa usaping ito.

“Kapag may manghihingi sa inyo, magbebenta ng fire extinguisher, sabihin niyo sa akin. Nagpaano na ako ng circular,” sinabi niya.

“Talagang tatanggalin ko ang mga ‘yan. Hindi pupuwedeng in exchange for a permit. Meron na akong memorandum. Ire-reiterate ko yan,” dagdag pa ng kalihim.

Matatandaan nitong Martes, Oktubre 11 ay nahuli ng mga tauhan ng Philippine National Police’s Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang lalaki sa Rizal na di-umano ay konektado sa BFP at nanghihingi ng pera sa mga biktima. RNT/JGC