BI-100 top officials binalasa

BI-100 top officials binalasa

July 23, 2018 @ 1:54 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Binalasa ng Bureau of Immigration (BI) ang nasa 100 top officials sa kanilang mga pwesto sa paliparan at ibat-ibang immigration Sub poets sa buong bansa bilang bahagi ng pagpapabuti ng serbisyo ng  kanilang bureau.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ito ay alinsunod sa kautusan o Department Order ni  Justice Secretary Menardo Guevarra  na i-reshuffle ang 59 BI airport officials kung saan ang 49 dito ay naitalaga sa tatlong terminals ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) habang ang iba pa ay inilagay sa Clark at Davao airports.

Kasabay nito, binalasa din ang Alien Control  Officers (ACOs) in-charge sa mahigit 40 BI offices sa buong bansa.

Paliwanag ni Morente, bilang pagtugon sa direktiba ni Guevarra, inatasan nito ang mga opisyal na magreport sa kanilang bagong assignments at agad gawin ang kanilang tungkulin.

“This revamp is long overdue.  Many of the airport officials and have been in their posts for more than a year already while many ACOs have been in their jobs for more than five years,” said Morente.  “It’s time to give them new tasks so they can face new challenges and responsibilities.  This is also to avoid familiarity and lax performance of duties,”  ayon pa kay Morente.

Tinanggap naman ni BI OIC Deputy Commissioner Marc Red Mariñas  ang balasahan at sinabing ito ay upang lalo pang mapabuti ang trabaho ng mga apektadong empleyado at mahasa ang kanilang galing at performance.

“It also prevents fraternization which breeds corruption and avert boredom that dampens morale and stifles growth in the organization,” ani Mariñas, na siyang mamumuno ng  BI port operations (POD). (JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN)