BI: 35K arawang pasahero, dumagsa ngayong holiday season

BI: 35K arawang pasahero, dumagsa ngayong holiday season

December 19, 2022 @ 1:56 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Pumalo sa 35,000 ang daily average ng mga pasaherong dumating sa bansa ngayong holiday season, ayon sa Bureau of Immigration nitong Lunes.

Samantala, naitala ang daily average ng outbound passengers sa 29,000, base kay BI deputy spokesperson Melvin Mabulac.

Inilahad niya ito kasunod ng pagrereklamo ng mga commuter, maging ni Sen. Grace Poe, ukol sa mahabang immigration lines sa Ninoy Aquino International Airport.

“As of now, we can record na around 25(000) to 29,000 passenger daily sa ating mga departure at sa arrival naman, umaabot tayo ng daily average ng 30 to 35,000 na dumarating sa ating bansa,” ani Mabulac.

“Basically, this is talaga holiday season, passenger season ‘to. Hindi natin maiwasan na mahaba talaga ang pila,” dagdag niya.

Tiniyak naman ng airport authorities sa mga biyahero na ginagawa nila ang kanilang makakaya upang matugunan ang congestion sa main gateway ng bansa.

Sinabi ng Manila International Airport Authorities na ipinatupad nila kamakailan ang terminal reassignments para sa ilang airlines upang kumasya ang mga dumaragsang pasahero ngayong holiday season.

Kamakailan ay pumwesto ang NAIA bilang ikaltong most stressful airport sa Asia and Oceania, batay sa datos ng travel blog Hawaiian Islands.

“To our traveling public, be early at the airport. At the same time, for travel advisory updates, please visit our website,” paalala ni Mabulac. RNT/SA