BI chief umapela, magtulungan sa pagresolba sa paliparan

BI chief umapela, magtulungan sa pagresolba sa paliparan

January 11, 2023 @ 5:47 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Umapela si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco sa lahat ng ahensiya na may kaugnayan sa operasyon ng mga paliparan na magtulungan sa kanilang pagtatrabaho upang maresolba ang mahabang linya ng mga pasahero.

Ang naturang apela ay sinabi ni Tansingco nang makatanggap ito ng ulat hinggil sa mahabang pila sa immigration area kasunod ng post new year glitch sa paliparan.

“All counters were manned, but the lines remained long,” ayon kay Tansingco.

“While passengers were processed expeditiously, more can be done to improve this,” dagdag pa nito.

Suportad din anya ng BI ang pagpapalawak sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at pagbubukas ng mga panibagong mga paliparan.

“As we open our borders, we should innovate in anticipation of the rebound of international tourism,” paliwanag ni Tansingco.

Ibinida din ni Tansingco na naabot na nila ang maximum capacity sa mga counters sa airport kung saan naglagay na rin sila ng dalawa hanggang apat na immigration officers sa ilang terminals.

“It’s already a space problem. We can add so many officers, but if the space is limited, then there will still be lines,” ayon sa BI Chief.

Hiningi rin ni Tansingco ang kooperasyon ng mga airlines sa pamamagitan ng pagreregula sa pagdagsa ng mga pasahero sa pamamagitan ng pag-iiskedyul.

“This is a joint concern that we must all address in all aspects,” ayon kay Tansingco.

“We believe that by working together, this concern can be resolved,” dagdag pa nito. JAY Reyes