BI, CICC nagkasundo sa paglalagay ng cybercrime hubs

BI, CICC nagkasundo sa paglalagay ng cybercrime hubs

November 23, 2022 @ 4:32 PM 6 days ago


MANILA, Philippines – Lumagda ang Bureau of Immigration (BI) ng isang kasunduan sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) hinggil sa paglalagay ng mga cybercrime hub.

Sa ginanap na signing ceremony nitong Nobyembre 15, sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang paglalagay ng cybercrime hubs sa mga pangunahing Paliparan at sa punong tanggapan ng BI ay para makatulong sa mga kaso ng online fraud at cybercrime.

Ang CICC ay ang nangunguna sa mga ahensiya ng pamahalaan sa pagpigil ng cybercrimes.

Pinangunahan ni Executive Director Alexander Ramos ang seremonya sa nasabing ahensiya.

Sa naturang kasunduan, ang BI ang magbibigay ng tulong para sa imbestigasyon ng cybercrime at fraud na nauugnay sa mga dayuhan.

“This invaluable partnership between government agencies is a major step towards eliminating cybercrime in the country,” ayon kay Tansingco.

Dagdag pa ni Tansingco, ang mga dayuhan na masasasangkot sa cybercrimes ay hindi makakatakas sa kanilang pananagutan kung saan agaran itong ipapa-deport at isasama sa blacklist. JAY Reyes