BI handa na sa pagbubukas ng 2 int’l flights sa Aklan

BI handa na sa pagbubukas ng 2 int’l flights sa Aklan

December 12, 2022 @ 4:15 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Handa na ang Bureau of Immigration (BI) sa pagbubukas ng international airports sa  Kalibo at Caticlan sa Aklan kung saan ilang flights ang manggagaling mula o papuntang Taiwan ngayon Disyembre.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, nagbigay na siya ng kautusan sa port operations division (POD) na siguraduhin na may sapat na personnel na naka-deploy sa dalawang airport para sa dagsa ng mga pasahero.

Ang kauna-unahang flight mula Caticlan patungong Taipei ng Royal Air ay nakatakda sa Disyembre 13.

“It will also mark the first time BI will launch its operations at the new Caticlan airport,” ayon kay Tansingco.

Samantala ang flight ng Tiger Air mula Kalibo-Taipei-Kalibo ay magaganap sa Disyembre 29, na pinaplano ang apat na flights patungong Taipei kada isang Linggo.

Ayon pa kay Tansingco, inaasahan na nila ang dagsa ng mga international passenger sa lahat ng international port sa susunod na taon kasunod ng pagluwag sa COVID-19 restriction.

Ayon kay Carlos Capulong, BI-POD acting chief, nitong mga nakaraang araw ay umaabot na sa 25,000 hanggang 27,000 pasahero ang dumarating sa iba’t ibang paliparan ng bansa.

“Tthe statistics are a far cry from the daily average of 5,000 passenger arrivals when the country re-opened its borders to foreign tourists in March last year,” ani Capulong.  JAY Reyes