BI handang maghigpit sa mga biyahero galing Tsina

BI handang maghigpit sa mga biyahero galing Tsina

January 2, 2023 @ 9:34 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Bureau of Immigration (BI) nitong Linggo na handa ang mga opisyal ng iba’t ibang paliparan at seaports sa bansa na magpatupad ng posibleng travel restrictions para sa mga pasahero mula China sa gitna ng pagsirit ng COVID-19 infections doon.

Inihayag ni BI Commissioner Norman Tansingco na maghihintay sila ng direktiba mula sa Department of Health (DOH), Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, at Office of the President ukol sa posibleng travel restrictions.

“While we have not received any directive yet about it, we are ready at any time to implement any such measures that the government deems appropriate to prevent another surge in the Philippines,” ani Tansingco.

Sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic, ipinatupad ng BI implementeng d country-specific travel bans upang mapigilan ang pagpasok ng coronavirus variants.

Naiulat din ng BI na 30,002 Chinese tourists lamang ang nakapasok sa bansa noong 2022, na katumbas ng 0.48 percent ng total recorded arrivals ng BI na mahigit 6.1 milyong biyahero nitong nakaraang taon.

“Chinese nationals used to take the second highest spot in the number of arrivals in the country, next to South Koreans. But during the pandemic, due to travel bans both here and in their home country, the number has drastically dropped,” sabi ni Tansingco.

Kasalukuyang rekisitos ng pamahalaan sa unvaccinated o foreign travelers na hindi fully vaccinated na magpakita ng negatibong pre-departure antigen o RT-PCR test results sa pagdating sa bansa. RNT/SA