BI: Immigration process, pabibilisin

BI: Immigration process, pabibilisin

March 6, 2023 @ 12:40 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Tiniyak ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) na mas palalakasin nila ang kanilang mga electronic gates upang bawasan ang mga oras ng pagpoproseso sa mga immigration counter.

Ang naturang pahayag ng BI ay kasunod ng ilang mga post sa social media na nagsasabing ang mahabang proseso ay nagiging dahilan upang sila ay ma-offload mula sa kanilang mga flight.

“The BI commits to explore the use of additional electronic gates to lessen processing times, the e-travel portal for departing passengers will likewise be launched in March, which will decrease paper-based forms for passengers,” ayon sa BI.

Ito ay matapos ang ilang mga post na kumalat online, na may mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nagsasabing sila ay na-offload mula sa kanilang mga flight dahil sa mahabang oras na kailangan sa immigration.

Bwelta naman ng BI, nagtalaga umano sila ng 21 immigration officers na naka-duty sa nasabing panahon, na nagproseso ng 15 flights na may humigit-kumulang 3,900 pasahero.

Dagdag pa ng BI, sa kabila ng pag-maximizedng kanilang mga tauhan, ang isyu umano sa mahabang linya ay nananantiling pandaigdigang alalahanin.

Nagpasalamat naman ang BI sa Manila International Airport Authority hinggil sa pangako nilang dagdagan ang space allocation para sa immigration area sa mga susunod na buwan gayundin ay nagpasalamat sila sa suporta ng mga airline sa pag-aaral ng mga iskedyul ng flight para mabawasan ang overlapping ng mga flight. JAY Reyes