BI: Int’l travel mula March lockdown bumaba sa 95%

BI: Int’l travel mula March lockdown bumaba sa 95%

July 16, 2020 @ 10:12 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Ibinahagi ng Bureau of Immigration na ang inbound at outbound international travel ay bumagsak sa halos 95% buhat nang community quarantine noong Marso.

Sa pahayag, iginiit ng ahensya na bumaba ito batay sa datos mula March 16 hanggang June 30.

Tanging nasa 189,000 pasahero lamang ang dumating sa nasabing panahon na malayo sa 5.16 milyong naitalang pasahero noong nakaraang taon, batay kay Immigration Deputy Spokesperson at National Operations Center Acting Chief Melvin Mabulac.

Naitala lamang aniya ang 238,000 pasahero na lumabas ng bansa kumpara sa 5.18 milyong departures noong nakaraang taon.

Para kay Immigration Commissioner Jaime Morente, wala siyang nakikitang agarang recovery sa travel industry.

“We do not foresee these statistics to rise in the near future while the entire world is still fighting to defeat this coronavirus,” lahad ni Morente. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...