BI kinlaro ang mga alintuntunin sa pagpasok ng mga banyagang asawa, anak sa bansa

BI kinlaro ang mga alintuntunin sa pagpasok ng mga banyagang asawa, anak sa bansa

December 1, 2020 @ 7:46 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Kinlaro ng Bureau of Immigration (BI) ang mga alituntunin sa pagpapasok ng mga banyagang asawa, at mga anak ng mga Filipino sa bansa.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente maaari lamang makapasok ng Pilipinas ang mga ito kung nasa bansa ang pamilya nito o kasama sa pagbabalik sa bansa.

“The intent of the relaxed restriction for balikbayans is to allow families to reunite this holiday season. Apart from those exempted by the IATF, others who will be entering under a tourist status will still not be allowed,” pahayag ni Morente.

Magbabalik naman ang operasyon ng pagbibigay ng visa-free entry ang BI simula Disyembre sa ilalim ng Balikbayan program.

Ang programang ito ay batay sa Executive Order No. 408, Series of 1960 kung saan maaari silang manatili sa bansa sa loob ng isang taon kahit walang visa ngunit kinakailangang maglakbay kasama ang Filipinong pamilya o dating Filipino.

Dagdag pa ng BI na kinakailangang galing sa visa-free na bansa ang mga magbabalik-bansa at may pre-booked quarantine facility at COVID-19 testing.

Habang ang mga menor-de-edad na dependent ay kinakailangang kumuha ng entry visa mula sa Philippine post abroad.

Samantala, kailangan din ng entry visa ang mga banyagang magulang. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...