BI maglulunsad ng online visa extension para sa short-term tourists

BI maglulunsad ng online visa extension para sa short-term tourists

December 13, 2022 @ 6:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Papayagan na ang mga turista na saglit lamang sa bansa subalit nais i-extend ang kanilang pananatili sa pamamagitan ng paghahain ng aplikasyon online sa nakataldang paglulunsad ng Bureau of Immigration (BI) ngayong buwan ng online visa waiver project nito.

“Online application for visa extensions, the target is to be launched before the year ends. Basically tourists who come here visa free who wishes to extend their 30 day visa may do so online,” pahayag ni BI spokesperson Dana Sandoval nitong Martes.

Samantala, pinangunahan ni BI Commissioner Norman Tansingco ang week-long year-end celebration ng ahensya mula Dec. 5 hanggang 9, kung saan tinalakay niya ang iba’t ibang palni at iba pang nakalinyang proyekto para sa pagpapabuti ng bureau.

Kabilang dito ang introduksyon ng electronic transactions at payments para sa immigration applications at ng eTravel system, isang joint project ng iba’t ibang border management agencies.

Ang selebrasyon, na may temang “Pasasalamat mula sa Bureau of Immigration” way oportunidad para ipagdiwang ng BI employees ang achievements ng ahensya.

“We celebrate a new beginning for the bureau. Despite the many issues and challenges in the past, we look forward to a better future. Anticipate. Innovate. Motivate. These are the agency’s direction in the next years. Anticipate what is needed, innovate to improve our services, and motivate each other to be the best public servants. Aim high BI,” dagdag ng BI chief.

Kasama rin sa week-long activity ang gift-giving para sa mga bata at empleyado, maging sa janitorial at security services, at outreach program para sa underprivileged families sa lugar. RNT/SA