Manila, Philippines – Lumagda ng kasunduan ang Bureau of Immigration (BI) management at mga kawani nito upang kilalanin ang karapatan ng mga manggagawa nito at benepisyo sa ilalim ng batas.
Kasamang lumagda ni BI Commissioner Jaime Morente sa bagong three-year collective negotiation agreement (CNA) sina CNA with Lawyer Gregorio Sadiasa, Presidente ng Buklod ng mga Kawani ng CID (Buklod) sa Bureau’s satellite office sa SM Aura mall, Bonifacio Global City, Taguig.
“The agreement as a more comprehensive document that “further upholds the rights of our employees to security of tenure, humane working conditions and decent wage.” ani Morente.
Tiniyak naman ni Morente sa BI rank and file na sa ilalim ng kanyang panunungkulan na irerespeto at proprotektahan ang kanilang karapatan at hinaing.
“We are proud of this new CNA because the benefits previously enjoyed only by union members can now be extended to non-union members so long as they meet certain conditions,” ayon naman kay Sadiasa.
Dagdag pa ni Sadiasa na kanilang itutulak sa Kongreso na magkaroon ng bagong Immigration law na maitaas ang kanilag pasahod katulad ng ibang pangunahing ahensya ng gobyerno .
Ang bagong CNA ay layong maprotektahan ang mga empleyado laban sa pagkakadismis sa serbisyo ng walang dahilan at walang due process sa ilalim ng civil service rules and regulations.(JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN)