BI muling nagbabala vs human trafficking sa Middle East

BI muling nagbabala vs human trafficking sa Middle East

June 28, 2022 @ 2:36 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Muling nagbabala ang pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) sa publiko laban sa sindikato ng human trafficking na nambibiktima ng mga bata, kababaihan, at mga manggagawa sa ibang bansa patungo sa Middle East at Gulf Regions.

Ang babala ni BI Commissioner Jaime Morente ay kasunod ng isang insidente na isang babaeng Indian ang ni-rescue dahil sa pagmamaltrato ng kanyang employer sa Kuwait.

“It is important that we do not take the issue of human trafficking lightly.  This modern-day slavery is still very rampant, and it is happening both here and in other parts of the world,” ayon kay Morente.

Paliwanag ni Morente na karamihan sa mga human traffickers ay hinihikayat ang kanilang biktima sa mataas na sahod kahit na wala ito mga legal na dokumento.

“As a result, those victims of human trafficking are led up to experience compensation issues, or worse— mental and physical abuse abroad,” ayon sa BI Chief.

Ayon naman kay BI Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) Head Timotea Barizo, pinaalalahanan niya ang publiko na maging mapagmasid sa mga nag-aalok sa kanila ng trabaho sa Middle Eastern countries kung saan mataas na sahod ang naghihintay sa kanila.

“Aspiring OFWs should practice caution and transact only with persons and agencies accredited by the government. If caught, those illegal recruiters and human traffickers are doomed to face imprisonment,” ayon sa kanya.

Sa datos, umabot sa 491 na mga mananakay ang inendorso ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) na posibleng biktima ng human trafficking. JAY Reyes