BI naaalarma sa pagkalat ng illegally-acquired PH passport

BI naaalarma sa pagkalat ng illegally-acquired PH passport

February 20, 2023 @ 8:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inihayag ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang pagkabahala sa paggamit ng tunay, subalit illegally acquired Philippine passports ng overstaying foreign nationals

Sinabi ng BI chief na nakumpiska ng immigration officers ang ilang fraudulently-acquired passports ngayong 2023.

“These undesirable aliens misrepresented themselves to be able to secure all sorts of Philippines documents to escape immigration inspection,” pahayag niya.

Inihalimbawa ni Tansingco ang 36-anyos na Chinese national na si Zhang Hailin na naharang ang flight patungong Vietnam matapos pagdudahan ng immigration officers na siya ang may-ari ng PH passport sa ilalim ng pangalang Alex Garcia Tiu.

Iprinisenta rin ni Zhang ang tunay na Philippine birth certificate, habang peke ang immigration stamps ng kanyang pasaporte. Inamin niya kalaunan ang tunay niyang nationality at overstaying mula 2020. RNT/SA