BI naalarma sa dumaraming dayuhan na nagpapanggap na Pinoy

BI naalarma sa dumaraming dayuhan na nagpapanggap na Pinoy

January 28, 2023 @ 1:56 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inihayag ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang pagkabahala sa pagdami ng mga dayuhan na nagpapanggap na Pilipino.

Nitong buwan, isang Hong Kong-Canadian national ang nahuli sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa pagpapakilalang isa siyang Pilipino.

Magkahiwalay na naaresto ng travel control and enforcement unit (TCEU) ng BI ang dalawa pang dayuhan nitong nakaraang linggo sa parehong paliparan an nagtangkang lumipad patungong Vietnam.

Kinilala sila na sina Nong Thi Luyen, 35, at Hailan Zhang, 36.

Pinaghinalaan si Nong, na nagpakita ng Philippine passport na may Philippine name, ng immigration officers nang hindi masagot ang basic details ukol sa kanyang pagkakakilanlan.

Inamin niya kalaunan na isa siyang Vietnamese citizen at dumating sa bansa halos dalawang dekada na ang nakalilipas.

Sinabi ni Tansingco na nagpanggap si Nong na Pilipino para takasan ang pagbabayadĀ  para sa overstaying.

Batay sa imbestigasyon, pagmamay-ari ng iba ang pasaporte.

Samantala, nagpakita naman si Hailan ng Philippine passport at may dalang identification cards at permits, at sinabing isa siyang negosyante.

Naberipika ng forensic documents laboratory ng BI na tunay ang pasaporte, subalit peke ang BI departure stamp.

Ā Nahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa Philippine Immigration Act, at mananatili sa BI’s warden facility sa Taguig City habang hinihintay ang deportasyon. RNT/SA