BI nagbabala vs scammers na nangpapanggap na immigration officers

BI nagbabala vs scammers na nangpapanggap na immigration officers

December 1, 2022 @ 6:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) nitong Huwebes sa publiko kontra scammers na nagpapanggap na immigration officers upang mangikil ng pera mula sa foreign nationals sa bansa.

Sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval na ilang dayuhan ang nakatanggap ng pekeng mission order na nag-uutos sa immigration officers na magsagawa ng house-to-house checks at inspeksyon sa entertainment establishments upang arestuhin sila.

“Hindi po ‘to totoo dahil ang mga immigration personnel po ay maaari lamang manghuli ng isang foreign national kung merong mission order na issued ang ating Commissioner,” aniya sa televised public briefing.

“At ini-issue lamang po ito kung merong thorough investigation and confirmed na may illegal alien, foreign national doon na may violation ng immigration laws,” dagdag niya.

Nagbabala si Sandoval sa publiko na mas marami pang scammers sa holiday season.

Nag-abiso rin siya sa mga dayuhan na biktima ng scammers na iulat ang insidente sa local authorities upang madakip ang mga may sala. RNT/SA