BI nagkasa ng raid sa kanilang Custodial Facility

BI nagkasa ng raid sa kanilang Custodial Facility

February 2, 2023 @ 4:41 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagsagawa ng sorpresang pagsalakay ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa kanilang warden sa Camp Bagong Diwa, Taguig.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, 49 sa kanyang mga operatiba ay mula sa intelligence division (ID) ang inasistahan ng 84 pulis at SWAT personnel mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) upang magsagawa ng sorpresang pagsalakay dakong alas-2:30 ng madaling araw.

“We sent a letter to the NCRPO the other day requesting their assistance in the massive raid that we are conducting,” ayon kay Tansingco.

“We are thankful that they extended their assistance and support to our efforts,” dagdag pa nito.

Narekober sa tatlong oras na inspeksiyon ang matutulis na bagay, construction tools, cigarettes, cellular phones, laptops, modems, at cash. Lahat ng nakumpiska ay sinelyuhan at nasa kustodiya ng BI-ID.

Ang ginawang pagsalakay ay bunsod sa ulat na may mga iligal na bagay sa loob.

“We also conducted a spot drug test on all BIWF employees on duty,” ayon pa kay Tansingco.  “All yielded negative results,” dagdag pa nito.

Ipinag-utos din ng BI Chief ang pagbabawal ng lahat ng gadgets sa mga nakakulong sa loob.

“We will not tolerate any misdemeanor in any office of the BI,” ayon kay Tansingco.

“May this serves as a warning to those who may attempt to smuggle illegal contraband inside the facility.  We will be conducting numerous surprise inspections, and those who will be caught will be held liable,” babala pa ni Tansingco.  JAY Reyes