BI personnel na sangkot sa ‘pastillas’ scam balik-trabaho na – DOJ

BI personnel na sangkot sa ‘pastillas’ scam balik-trabaho na – DOJ

July 28, 2021 @ 5:15 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Balik-trabaho na ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na nasangkot sa “pastillas” bribery scheme matapos masuspinde ng anim na buwan.

“Their six-month preventive suspension has lapsed. They have reported for work at the main office, not at their previous assignments in the airport terminals. Those who were under job order arrangements have been terminated,” saad ni Justice Secretary Menardo Guevarra.

“The Office of the Ombudsman and the Department of Justice are winding up their investigations,” dagdag ng kalihim.

Ayon pa sa DOJ chief, maaaring magsibak ang kagawaran ng tauhan ng BI sa ilalim ng civil service rules.

“It’s the DOJ who appoints immigration officers under the Commonwealth Act that established our immigration agency. We have disciplined so many immigration officers in the past for administrative offenses,” aniya.

Nitong Oktubre, sinuspinde ng Ombudsman ang ilang tauhan ng BI ng anim na buwan na walang sweldo habang iniimbestigahan ang nasabing scheme.

Ang pastillas scam ay pagtanggap ng suhol ng mga tauhan ng BI mula sa mga Chinese upang makapasok ng bansa nang hindi sumasailalim sa karaniwang proseso. RNT/ELM


  •  
  •  
  •