BI personnel sa NAIA binalasa

BI personnel sa NAIA binalasa

May 23, 2022 @ 2:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nasa halos 400 na personnel ng Bureau of Immigration (BI) na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang sumailalim sa balasahan bilang bahagi ng nasabing ahensiya na maiwasan ang korapsiyon sa kanilang hanay.

Ayon kay BI port operations division chief Atty. Carlos Capulong na may kabuuan na 398 na mga immigration officers na nag-iinspection ang naapektuhan sa reshuffle.

Paliwanag ni Capulong na ang hakbang ay upang maiwasan ang fraternization sa mga airport personnel.

Dagdag pa ni Capulong na bukod sa mga BI Officers na nagmamando sa NAIA immigration counters, ang kagawaran ay nagsasagawa rin ng araw-araw na balasahan sa mga terminal assignments sa mahigit na 80 immigration supervisors.

Samantala, inanunsiyo ni BI Commissioner Jaime Morente na nakatakdang simulan ng BI ang pagsasanay sa 195 na bagong-hire na immigration officers.

Sinabi ni Morente na ang mga bagong empleyado, na ang mga appointment ay nilagdaan ni Justice Secretary Menardo Guevarra, ay magsisimula ng kanilang programa sa pagsasanay sa mga batas, panuntunan at pamamaraan ng imigrasyon sa BI academy na matatagpuan sa Clark, Pampanga.

“We expect these new officers to assume their duties this September and their deployment will definitely solve our perennial problem of lack of manpower in our airports,” ani Morente. JAY Reyes