BI sa mga dayuhan: Huwag makipagtransak sa mga “fixers”

BI sa mga dayuhan: Huwag makipagtransak sa mga “fixers”

July 18, 2018 @ 1:39 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Pinayuhan ng Bureau of Immigration (BI) ang publiko na makipag-transakyon lamang sa mga otorisadong empleyado ng ahensya at iwasang makipag-usap sa mga “fixers” at iba pang hindi otorisadong indibidwal.

Naglabas na rin si BI Commissioner Jaime Morente ng babala laban sa mga fixers gayundin sa mga travel agents at law offices na hindi accredited ng Bureau.

Hinikayat din ni Morente ang publiko naĀ  agad isumbong sa kanyang opisina ang mga kahina-hinalang aktibidad ng mga dayuhanĀ  na lumalabag sa immigration law, rules and regulations ng bansa.

Dapat din aniyang isumbong ang irregularity ng sinumang sangkot na BI personnel upang maimbestigahan at makasuhan ng Administratibo.

Pinaalalahanan din ni Morente ang mga dayuhan na huwag mag-over stay sa bansa upang maiwasan ang anumang problema.

Maari naman aniyang mag-apply ng extension na manatili sa bansa. Kailangan lamang aniyang magtungo sa BI main office o di kaya ay sa pinakamalapit sa kanila na opisina ng bureau.

Giit ni Morente na dapat sumunod ang mga dayuhan sa mga kondisyon upang maiwasan ang deportation.

ā€œDo not engage in study, employment or business without first obtaining the necessary permit or visa,ā€ ayon pa kay Morente.

Dagdag pa ni Morente na dapat sumunod sa alien registration laws ng bansa. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)