BI tiniyak na ‘full force’ pa rin kasunod ng bagyong Paeng

BI tiniyak na ‘full force’ pa rin kasunod ng bagyong Paeng

October 31, 2022 @ 6:24 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Tiniyak ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) na sapat ang kanilang mga tauhan at nananatiling nasa “heightened alert” ang kanilang mga frontline personnel para sa pagdagsa ng mga pasaherong papasok at palabas ng bansa ngayong long weekend sa paggunita sa All Souls’ Day kasabay na din ng pananalasa ng bagyong Paeng.

Sinabi ni BI Commissioner Norman, may mga karagdagang tauhan ang itinalaga sa mga paliparan, at isang rapid response team ang itinalaga upang matiyak na ang lahat ng mga counter sa mga daungan ay mabantayan.

“Despite the adverse weather, our immigration officers remain on duty to serve the traveling public,” ani Tansingco.

Kinilala ni Tansingco ang serbisyo ng mga frontline personnel ng BI na nagbibigay pa rin ng serbisyo tuwing weekend at holidays. JAY Reyes