BI walang nakikitang koneksyon ng tauhan nito sa Myanmar trafficking scheme

BI walang nakikitang koneksyon ng tauhan nito sa Myanmar trafficking scheme

December 1, 2022 @ 3:13 PM 2 months ago


MANILA , Philippines- Sinabi ng Bureau of Immigration (BI) nitong Huwebes na sa ngayon ay wala silang nakikitang kaugnayan ng mga tauhan nito sa umano’y human trafficking kung saan iligal na nagpapadala ng mga Pilipino sa Myanmar.

Ang mga Pilipino na ipinapadala sa Myanmar ay sinasabihan na magpanggap na airport worker.

“So far po, looking at the investigation po, sa Senado po and dito sa mga na-intercept natin, wala po tayong nakikitang link sa mga empleyado po natin,” pahayag ni Immigration spokesperson Dana Sandoval.

“Especially po yung mga passports po ng mga biktima, nakita po natin na may mga fake na stamps, and they were pointing po to several individuals that are not employees of the bureau. May mga picture po na lumabas at mga pangalan, at hindi po ito mga empleyado ng ahensya,” dagdag niya.

Subalit, binigyang-diin ni Sandoval na kapag may natuklasang Immigration personnel na sangkot sa human trafficking, mahaharap ito sa administrative sanctions.

“But so far po, nakikita natin, it’s really a big issue, it’s a big syndicate po dahil and dami pong involved and they know the weak spots of the airport, the different ingress and egress spots of the airport so we’re really worried na malaki po itong sindikatong ito.”

Sa Senate inquiry nitong Martes, ibinulgar na ang Filipino workers na iligal na pinadadala sa Myanmar ay binibigyan ng pekeng airport employee identification (ID) cards at pinapasuot ng uniporme upang makaiwas sa Immigration.

Sinabi ni Sandoval na hiwalay ang entrance ng mga empleyado mula sa Immigration area. Binanggit din niya na ang employee passes ay ibinibigay ng Manila International Airport Authority (MIAA). 

Inilahad pa ng opisyal na saklaw ng internal investigation sa human trafficking scheme ang MIAA at iba pang government at private entities malapit sa airport. 

“Maaari po yan, and all the other agencies inside the airport kasi hindi lang po MIAA ang nasa loob ng airport. Marami rin pong mga government agencies and also private entities that are inside the airport,” aniya. RNT/SA