Biado, Bata Reyes, sasabak sa SEA Games sa Hanoi

Biado, Bata Reyes, sasabak sa SEA Games sa Hanoi

February 20, 2022 @ 10:21 AM 4 months ago


MANILA, Philippines  – Pangungunahan nina Carlo Biado at Efren “Bata” Reyes ang Philippine billiards at snooker team na sasabak sa sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Sasabak si Biado sa men’s 10-ball at 9-ball singles habang si Reyes ay papasok sa one-cushion at three-cushion carom, ayon sa anunsyo ng Billiard Sports Confederation of the Philippines bilang bahagi ng 8-man billiard team na isasabak sa SEA Games.

Sa women’s side naman, sina Rubilen Amit at Chezka Centeno ay sasagupa sa 10-ball at 9-ball.

Maglalaro din si Johann Chua sa men’s 10-ball at 9-ball singles.

Makakasama ni Francisco Dela Cruz si Reyes sa one-cushion at three-cushion carom.

Sa snooker, sina Alvin Barbero at Jeffrey Roda ay kasama sa men’s singles at 6-red singles.

Idedepensa nina Amit at Centeno ang 9-ball at 10-ball singles crown sa Hanoi.

Samantala, umaasa si Biado na manalo rin sa 10-ball singles matapos makuha ni Dennis Orcollo ang ginto sa event noong 2019.

Nagbabalik si Reyes sa biennial meet matapos niyang angkinin ang bronze medal sa one-cushion carom.JC