Biado bigo sa World Games

Biado bigo sa World Games

July 18, 2022 @ 1:05 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Bigong masungkit ni Carlo Biado ang medalya sa 2022 World Games matapos malugmok kontra kay Aloysius Yapp ng Singapore, 11-8, sa laban para sa bronze sa men’s 9-ball sa Birmingham, Alabama, United States.

Nalaglag ang defending champion sa likod ng 3-0 at 8-6 laban kay Yapp upang matalo sa bronze medal match dahilan para umuwi ang Pilipinas na luhaan sa world billiards competition.

Hindi rin nakapasok si Rubilen Amit sa medal round nang yumukod ito sa quarterfinal round sa women’s side.

Si Biado ay napatalsik sa trono bilang kampeon matapos siyang matalo sa titlist na si Joshua Filler ng Germany, 11-8, sa semifinals.JC