Bianca, aminadong nakipag-break kay Ruru sa selos!

Bianca, aminadong nakipag-break kay Ruru sa selos!

March 9, 2023 @ 4:29 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines- Last year ay may lumabas ang blind item tungkol sa isang showbiz couple na nag-away na nangyari sa isang parking lot. At ‘yung girl, dahil sa galit ay itinulak umano ang kanyang boyfriend at pinaharurot bigla ang kanyang kotse. At muntik na umano niyang masagasaan ang kanyang boyfriend.

Selos umano ang dahilan ng away ng dalawa. Nagselos daw kasi itong si girl nang mapanood niya sa premier nigh ang pelikula ng boyfriend, na may intimatme scenes sa kanyang kapareha.

May mga nagsabi na ang na-blind item ay sina Ruru Madrid at Bianca Umali.

At ang pinagselosan ni Bianca ay si Jasmine Curtis.

Ang nag-premier night daw na pelikula that time ay ang Cara x Jagger, na pinagbidahan nina Ruru at Jasmine.

Sa guesting ni Bianca sa Fast Talk With Boy Abunda, kinumpirma niya na sila nga ni Ruru ang na-blind item at may insidente ngang nangyari sa parking lot.

Sabi ni Bianca, “Yes! To clear things out, there was an incident. Pero ‘yung lahat po ng lumabas na istorya na nababasa ninyo, to the point na muntik ko nang masagasaan siya, it was exaggerated at some point.”

Nang tanungin ni Kuya Boy si Bianca kung selos nga ba ang dahilan ng pag-aaway nila ni Ruru, ang sagot ng aktres ay oo. Pero nasa lugar naman daw siya kung magselos.

“Merong history na pinanggagalingan. ‘Yung pagkaselosa ko po alam ko na nasa lugar. Kapag alam ko na meron akong pagseselosan doon ako nagseselos, and I have been right all the time.”

Inamin din ni Bianca na dahi sa parking lot incident ay nag-break sila ni Ruru sa loob ng walong buwan.

“Ru did everything that he could to save the relationship as well and to win me back.

“And I did so much work also to forgive and to say that OK, let’s start again because I love you.” Rommel Placente