Bianca, nagpaliwanag sa mga singsing sa daliri!

Bianca, nagpaliwanag sa mga singsing sa daliri!

October 27, 2022 @ 4:45 PM 1 month ago


Manila, Philippines- It may sound disappointing to their avid fans, pero hindi pa pala engaged ang magkasintahang Bianca Umali at Ruru Madrid.

Ikinatuwa sana ng kanilang mga masugid na tagahanga ang suot na singsing ni Bianca.

Naka-post kasi sa social media ang larawan nila at an al fresco resto seated across each other.

Nilakipan pa ito ng caption ni Bianca na, “I found the right one.”

Ruru also posted a picture of his girlfriend using the same caption.

Who wouldn’t think na engaged na nga ang sweethearts of four years?

Pero may paliwanag ang Kapuso actress tungkol sa singsing.

Aniya, “‘Yung pinakaibaba na diamond tear-shaped ring ay bigay ni Ruru. ‘Yung isa naman is the ring I bought for myself. ‘Yung gold ring with a small diamond is actually the engagement ring of my mom.”

In other words, hindi pa engaged ang dalawa so malayo pa ang sinasabing altar date nila.

One thing’s for sure, for the first time ay magsasama sina Bianca at Ruru sa isang teleserye sa GMA.

Titled The Write One, tungkol sa second chances ang kuwento nito.

Before the year ends ang balitang umpisa ng taping nito.

Sa madaling salita, the long wait to see them together in a GMA series is over.

Happy, mga Bianca-Ruru fans? Ronnie Carrasco III