Parak na nakuhanan ng bilyones na droga sibak na sa serbisyo

March 21, 2023 @4:09 PM
Views: 5
MANILA, Philippines – Sinabak na sa serbisyo ang pulis na naaresto sa isang drug buy-bust operation na nagresulta sa isa sa pinakamalaking buy-bust sa kasaysayan ng bansa, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Martes.
Sinabi ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na wala na sa serbisyo si Police Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr.
Noong Oktubre 2022, inaresto si Mayo nang nakumpiska ng mga awtoridad ang humigit-kumulang 990 kilo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na mahigit P6.7 bilyon kasunod ng serye ng mga operasyon laban sa droga sa Maynila.
Si Mayo ay isang intelligence officer para sa PNP Drug Enforcement Group, batay sa mga rekord ng pulisya.
Sinabi ng PNP Drug Enforcement Group na isinagawa ang unang operasyon sa kahabaan ng Jose Abad Santos Street sa Barangay 252, Tondo, Maynila, na humantong sa pagkakaaresto sa 50-anyos na suspek na si Ney Saligumba Atadero.
Sa interogasyon, sinabi ni Atadero na ang imbakan ng iligal na droga ay nasa loob ng opisina ng isang lending firm sa Sta. Cruz, Maynila.
Isa pang operasyon ang isinagawa upang mahuli ang isa pang indibidwal na pinangalanan ng suspek. Naaresto si Mayo sa Quiapo sa operasyon. RNT
Mbappe bagong captain ng France

March 21, 2023 @4:06 PM
Views: 6
CLAIREFONTAINE-EN-YVELINES, France – Pinalitan ni Kylian Mbappe ang retiradong si Hugo Lloris bilang kapitan ng France, ayon sa source.
Tinanggap ng forward ng Paris Saint-Germain na si Mbappe, 24, ang panukala pagkatapos ng mga meeting kay coach Didier Deschamps.
Nagtapos ang goalkeeper ng Tottenham na si Lloris sa kanyang pang-internasyonal na karera noong Enero pagkatapos na matalo sa final ng World Cup isang buwan bago nito.
Si Lloris, 36, ay skipper nang mahigit isang dekada.
Ang attacker ng Atletico Madrid na si Antoine Griezmann ay hinirang na vice-captain matapos ibinitin din ng center-back ng Manchester United na si Raphael Varane ang kanyang bota kasunod ng pagkatalo sa Argentina noong Disyembre.
Si Mbappe, na naglaro ng 66 na beses para sa kanyang bansa, ay na-link nang husto sa papel sa loob ng ilang linggo at umiskor ng hat-trick sa final loss sa World Cup matapos tulungan ang Les Bleus sa titulo noong 2018.
Dating vice captain sa PSG ang dating Monaco attacker sa likod ni Marquinhos ng Brazil at pinamunuan ang panig sa kawalan ng defender sa panahon ng pagkatalo noong Linggo kay Rennes.
Ang kanyang unang laro bilang kapitan ay ang Euro 2024 qualifier sa Biyernes laban sa Netherlands sa Stade de France.RCN
DepEd, makikipag-ugnayan sa Kongreso para sa ‘no permit, no exam’ rule

March 21, 2023 @3:56 PM
Views: 7
MAKIKIPAG-UGNAYAN ang Department of Education (DepEd) sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kaugnay sa Congress proceedings na may kaugnayan sa prohibisyon o panukalang nagbabawal sa “no permit, no exam” policy sa lahat ng public at private educational institutions.
“Let us wait for the discussions doon sa Congress with regards doon sa mga batas,” ayon kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa isang ambush interview nang hingan ng komento ukol sa third at final reading approval ng Senate Bill 1359 na nagbabawal sa mga eskuwelahan mula sa hakbang na huwag payagan ang mga estudyante na kumuha ng pagsusulit dahil hindi pa bayad ang kanilang tuition at iba pang bayarin.
“The Department of Education fully commits to participate sa lahat ng mga patawag at mga hearings na ginagawa ng Congress,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, plano naman ng DepEd na mag-hire ng mas maraming bagong guro taun-taon upang matugunan ang kakulangan sa teaching personnel.
“The plan is…meron talagang i-hire every year, as well as the other track we are pursuing, kasi hindi naman natin ma-hire lahat ng pangangailangan natin, is to amplify the best teachers that we have [using technology],” ayon kay Duterte.
Nauna rito, inamin naman ni DepEd spokesperson Atty. Michael Po na kabilang sa mga hamon na kanilang kinhaharap sa kasalukuyang academic year ay ang kakapusan sa guro, bukod pa sa kakulangan sa school infrastructure at furniture.
Kaya nga aniya para sa School Year 2023-2024, plano ng DepEd na mag-hire ng 10,000 na mga guro.
Taong 2022, nagawa ng DepEd na tumanggap ng kabuuang 11,580 na mga guro.
Sinabi pa ni Duterte na handa ang DepEd na makipagtulungan sa ibang local government units (LGU) para mag-alok ng housing projects sa mga guro.
Aniya, ang papel ng mga guro sa inisyatibang ito ay magbigay ng listahan ng mga kuwalipikadong teacher beneficiaries sa LGUs.
Sa ulat, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang nagbabawal sa “no permit, no exam” policy at ang pagsuspinde sa pagbabayad ng student loan sa tuwing may kalamidad at national emergencies.
Pumabor lahat ang 22 senador na present sa plenary session bilang pagsuporta sa Senate Bill Nos. (SBNs) 1359 (‘No Permit, No Exam’ Prohibition Act), at 1864 (Student Loan Payment Moratorium During Disasters and Emergencies Act).
Layunin ng SBN 1359 na ipagbawal ang ‘No Permit, No Exam’ na tutol sa mga estudyante na kumuha ng exam dahil sa hindi nabayarang obligasyon kabilang na ang tuition at iba pang school fees sa publiko at pribadong eskuwelahan.
Sa kabilang dako, nakiisa naman si Duterte sa groundbreaking ceremony ng 12-storey residential building project para sa mga Quezon City school teachers.
UAAP: NU silat sa FEU-Diliman sa men’s volleyball

March 21, 2023 @3:51 PM
Views: 12
MANILA – Sinungkit ng Far Eastern University (FEU)-Diliman ang tagumpay sa iskor na 25-13, 25-13, 25-17 laban sa National University (NU) Nazareth School para angkinin ang UAAP Season 85 boys’ volleyball championship, Martes sa Paco Arena .
Ito ang kauna-unahang titulo ng FEU-Diliman sa boys’ volleyball, at nakuha nila ito sa pamamagitan ng pagpapatalsik sa Bullpups. Ito ay isang come-from-behind na tagumpay para sa Baby Tamaraws, na natalo sa Game 1 bago nanalo sa susunod na dalawang laro ng best-of-3 series.
Solid si Rhodson Du-ot sa pag-orkestra ng laro para kina Amet Butuin at Andrei Delicana para tulungan ang FEU-Diliman na magwagi sa do-or-die match.
Isang taga-Bacolod City, nakuha ni Du-ot ang Finals MVP honors.
“Ibinigay namin ‘yung best namin,” ani Du-ot. “Katulad ng sinabi ko sa kanila na walang makakatalo sa masipag, kaya sinipagan namin hanggang matapos ang laro.”
“Ginagawa kong motivation ‘yung mga taong sumusuporta sa amin para maging mas malakas,” he added.
“Hindi ko nakuha ‘yung Best Setter, mas pinatunayan ko sa finals na kayang-kaya kong kunin iyon. Kaya nakuha ko ‘yung Finals MVP po,” the Grade 11 playmaker added.
Nauna nang napanalunan ng FEU-Diliman ang high school football at basketball crowns.
Sa likod ng kabayanihan ni Bituin, naitabla ng Baby Tamaraws ang serye noong Lunes sa 23-25, 25-22, 25-14, 19-25, 15-13.JC
Para iwas bias, duda sa Degamo slay, NegOr prosecutors papalitan ni Remulla

March 21, 2023 @3:42 PM
Views: 10