Biazon nanumpang bagong alkalde ng Muntinlupa

Biazon nanumpang bagong alkalde ng Muntinlupa

June 30, 2022 @ 3:21 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tuluyan nang nakapanumpa sa tungkulin ang mga miyembro ng 1Muntinlupa party sa pangunguna ni Mayor Ruffy Biazon Huwebes ng hapon makaraang madomina ang lokal na eleksyon sa Lunsod.

Nanumpa si Biazon sa harap ni Muntinlupa City Executive Judge Myra Quiambao kasama ang mga local officials sa Filinvest Tent, Alabang, Muntinlupa City.

Ang 1Muntinlupa party ni Biazon ang tanging COMELEC-registered local party sa Muntinlupa na may “Party Principles at Party Platform of Government” na nagdomina sa local elections na nakakopo ng slots sa Muntinlupa City Council, executive and legislative department.

Kasama ni Biazon sa inauguration ceremony sina Congressman Jaime Fresnedi, Vice Mayor Artemio Simundac, District 1 councilors Rachel Arciaga, Ivee Arciaga-Tadefa, Paty Katy Boncayao, Allan Aman Camilon, Atty. Raul Corro, Alexson Diaz, Valentino Niefes, at Jedi Presnedi; District 2 councilors Lester Baes, Ryan Bagatsing, Luvi Constantino, Arlene Hilapo, Eliot Martinez, Dado Moldez, Marissa Rongavilla, at Jun Metong Sevilla.

Sa kanyang message, nangako si Biazon, na ipagpatuloy ang good governance na itinatag ni outgoing Mayor Fresnedi sa mahabang mga taon.

Nanumpa si Mayor-elect Ruffy Biazon bilang susunod na local chief executive ng Muntinlupa City sa harap ni Executive Judge Myra Quiambao sa Huwebes, Hunyo 30 sa Filinvest Tent. Kasama niya ang kanyang asawang si Trina at ang kanilang mga anak. Bago siya nahalal bilang local chief executive, nagsilbi si Biazon bilang Muntinlupa City Representative at Bureau of Customs Chief. Cesar Morales

Nangako pa si Mayor Biazon na maglalatag ng political reforms at “new brand of politics.”

“Together, in this transition, we are putting into place political reforms that we hope future public servants will also advocate and pursue. Through this initiative, we aim to leave behind the outdated, obsolete and overdue brand and style of politics and replace it with one that exemplifies professionalism, principles and proactivity,” sabi ni Biazon

Ang One Muntinlupa sa ilalim ng Biazon administration ay isusulong ang 7K Agenda (Katarungan, Karunungan, Kalusugan, Kaunlaran, Kapayapaan/Kaayusan, Kabuhayan, Kalikasan) sa pandemic response at recovery.

Idinagdag pa ng local exec siya ng customer-centric programs; kanilang sa kanyang platforms ang establishment ng Mayor’s Action Center, one-stop shop para sa frontline services ng local government gaya ng medical assistance, burial assistance, at iba pang services.

Kaugnay nito ay hingi ni Biazon ang cooperation ng lahat ng sector tungo sa inclusive development.

“Maaaring may mga pagkakaiba tayo sa pinanggalingan, kaugalian at pananaw. Pero dapat tayo ay nagkakaisa sa hangarin na i-angat ang ating mga kababayan at ang ating lungsod. Sa ating pagkakaiba-iba, tayong lahat ay pare-parehong Muntinlupeño na ang pangarap ay magkaroon ng mapayapa, maayos at maginhawang buhay,” sabi pa ni Mayor Biazon.

Bago maging mayor, nakapagsilbi si Biazon bilang city’s lone representative sa Kongreso na may 933 bills na nafile at 275 resolutions bilang principal author. Sa mga naipasang bill, 82 dito ay tuluyang naging batas. Dave Baluyot