Bibili lang ng candy, paslit dinibdiban, binantaang sasaksakin; suspek arestado

Bibili lang ng candy, paslit dinibdiban, binantaang sasaksakin; suspek arestado

September 13, 2022 @ 12:51 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Kulungan ang kinasadlakan ng isang laborer matapos saktan at pagbantaan na saksakin ang isang batang lalaki sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang naarestong suspek na kinilala bilang si Edward Aniano, 25 ng Brgy. NBBS Dagat-Dagatan, Navotas City.

Batay sa isinumiteng ulat ni Pat Jenelyn Kiblong kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong alas-8:20 ng gabi, pumunta ang biktimang itinago sa pangalang β€œBong” kasama ang kanyang pinsan sa tindahan sa nasabing barangay para bumili ng candy.

Pagkatapos nito, sinigawan ng biktima ang kanyang pinsan ng β€œoo na wala kang piso!” na nakatawag ng atensyon ng suspek at ikinagalit umano nito kaya hinampas niya sa dibdidb ang biktima na nagdulot ng pinsala sa bata at pinagbantaan pa na sasaksakin.

Inawat ng may-ari ng tindahan ang suspek habang pumunta naman sa barangay ang biktima at humingi ng tulong na nagresulta sa pagkakaaresto kay Aniano. Boysan Buenaventura