Bicol, MIMAROPA, Quezon uulanin sa LPA

Bicol, MIMAROPA, Quezon uulanin sa LPA

June 1, 2022 @ 6:45 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Patuloy na makaaapekto sa ilang lugar sa bansa ang namataang namumuong bagyo o Low Pressure Area (LPA) sa paligid ng Coron, Palawan, bandang alas-tres ng madaling araw ngayong Huwebes, iniulat ng PAGASA.

Bunsod nito, ang Bicol Region, MIMAROPA, at Quezon ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng LPA na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng mga localized thunderstorm na may posibleng flash flood o landslide sa panahon ng matinding pagkulog.

Ang pagsikat ng araw ay magiging 5:26 a.m., lulubog naman ito bandang 6:22 p.m. RNT