Bicol naka-red alert sa epekto ng LPA

Bicol naka-red alert sa epekto ng LPA

December 9, 2022 @ 8:18 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inilagay na ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) ang Bicol region sa red alert status bilang paghahanda sa posibleng epekto ng low pressure area (LPA).

Matatandaan na sa ulat ng PAGASA ay huling namataan ang LPA 870 kilometro silangan ng Mindanao at papangalanang “Rosal” sa oras na maging isang tropical depression.

Ayon kay Office of Civil Defense (OCD)- Bicol DRRM division chief Jessar Adornado, itinaas ang red alert status matapos ang pagpupulong nito kasama ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kasabay ng online regional pre-disaster risk assessment meeting nitong Huwebes, Disyembre 8.

“It could be a possible move for the council as a whole or by the agency to help different provinces and we will now activate again our virtual Emergency Operations Center (EOC), may we ask PAGASA, Mines and Geosciences Bureau and Philippine Institute of Volcanology and Seismology to present with us on the virtual EOC, this will be continued until we lift our red alert status for DRRMC Bicol,” ani Adornado.

Ayon naman kay Melvin Almojuela, weather forecaster ng PAGASA Southern Luzon Division, ang naturang sama ng panahon ay magdudulot ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan ngayong araw sa Bicol region.

Dahil dito ay nasa pinakamataas na lebel ng koordinasyon at monitoring ang OCD sa lahat ng mga stakeholders nito bilang paghahanda.

“Under the red alert, there will be activation of the response clusters in the region, leading to evacuation for residents living in high-risk areas by the local DRRM councils, communication of weather-related advisories to the community level by the provincial DRRM councils and LDRRMCs, and reiteration of social behaviors and hygiene measures in evacuation centers and response activities in relation to the Covid-19 pandemic and close monitoring of areas of responsibilities by the LDRRMC chairperson,” pahayag ni Gremil Naz, OCD-Bicol spokesperson, sa isang panayam. RNT/JGC