Bicol, Palawan, iba pang lugar uulanin sa ITCZ, trough of LPA

Bicol, Palawan, iba pang lugar uulanin sa ITCZ, trough of LPA

November 17, 2022 @ 7:00 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Inaasahang magbibigay ng kalat-kalat na pag-ulan ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Mindanao at Palawan ngayong Huwebes, Nobyembre 17.

Ito ay ayon sa ulat ng PAGASA kung saan maliban sa nabanggit na mga lugar ay makararanas din ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang Eastern Visayas, Central Visayas, at Bicol Region, dulot ng ITCZ at Trough of Low Pressure Area (LPA).

Shear line naman ang makakaapekto sa Quezon, Aurora, Isabela, at mainland Cagayan kung saan kaparehong panahon din ang mararanasan sa mga lugar na ito.

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mga isolated rainshowers at thunderstorm dulot ng localized thunderstorm. RNT/JGC