Bicol Region groups, buhos-suporta kay Inday Sara at BBM

Bicol Region groups, buhos-suporta kay Inday Sara at BBM

April 2, 2022 @ 2:36 PM 3 months ago


No description available.

MANILA, Philippines – Taliwas sa lumalabas sa social media at ibang pahayagan, buong pwersang lumantad ang mga supporter leaders ng Bongbong Marcos-Sara tandem kahapon sa Naga at Legaspi City ng Bicol Region.

Sa pinagsanib na pwersa ng Chosen Countrywide Leaders Inc. (CCLI) at BBM-SARA alliance, sinigurado ng mga ito na mas mananaig ang kalamangan ni presidential daughter at Vice President aspirant Davao City Mayor Inday Sara Duterte at presidential aspirant former Senator Bongbong Marcos Jr. sa darating na eleksyon maging sa Bicol Region.

“We are now all-out for Inday Sara and BBM. Gusto namin ipakita ang tunay na kulay ng Bicol. Berde at Pula, wala ng iba,” pahayag ng Jovie Roa, isa sa opisyales ng BBM-SARA alliance sa Bicol.

“Malalaman na sa eleksyon ang katotohanan. Mag babantay kami hangang matapos ang bilangan. Ito ay para sa ating bansa at bawat mamamayan,” pahayag ng isang suporter na napabalitang malapit na kapamilya ng isa ring natakbo sa pagka-Pangulo.

Ang CCLI at BBM-SARA alliance ay isa sa malaking grupo sa buong Pilipinas na naging malaking tulong sa pagkapanalo ni Presidenteng Rodrigo Duterte noong nakaraang presidential election. RNT