Bicol, VisMin uulanin sa LPA, shear line

Bicol, VisMin uulanin sa LPA, shear line

January 11, 2023 @ 6:30 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Uulanin na naman ang Bicol Region, Visayas at Mindanao dulot ng LPA at shear line ayon sa ulat ng PAGASA nitong Miyerkules, Enero 11.

Maliban dito, sa 3 a.m. forecast ng ahensya, namataan ang Low Pressure Area (LPA) 295 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur kasama ang shear line na nakapaloob dito na makaapekto sa silangang bahagi ng Southern Luzon at Visayas.

Maliban sa mga nabanggit na lugar, makararanas naman ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan dulot naman ng northeast monsoon o Amihan ang Cagayan Valley, Aurora, Quezon, Marinduque, at Oriental Mindoro.

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan dulot din ng amihan. RNT/JGC