BIDAfriday: Nadine Lustre,“NADINE MEANS HOPE”

BIDAfriday: Nadine Lustre,“NADINE MEANS HOPE”

October 16, 2020 @ 2:16 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Si Nadine Lustre o Nadine Alexis Paguia Lustre ay isang Filipina actress, singer, music video director at endorser.

Ipinanganak siya noong Oktubre 31, 1993.

Nagsimula ang karera nito sa showbiz matapos gumanap bilang “Eya Rodriguez” ng film adaptation ng isang wattpad novel na “Diary ng Panget” noong 2014.

Bumida si Nadine sa television series na “On the Wings of Love,” at “Till I Met You.”

Naging bida rin siya sa pelikula, ilan dito ay ang “Talk Back and You’re Dead,” “Para sa Hopeless Romantic,” “Never Not Love You,” at “Ulan.”

Successful din lahat ng mga kanta nito tulad ng “No Erase,” “Para-Paraan,” “Bahala Na,” “Hanap-Hanap,” at “Mr. Antipatiko.”

Humakot din nito ang mga awards tulad ng:

  • Music Video of the Year – Myx Music Awards (2020)

  • Best Actress – 42nd Gawad Urian (2019)

  • Outstanding Performance of an Actress in a Leading Role – 67th FAMAS Awards (2019)

  • Best Actress in a Leading Role (Regional Winner for the Philippines) – Asian Academy Creative Awards (2019)

  • Female Artist of the Year – Myx Music Awards (2019)

  • Artist of the Year – Myx Music Awards (2019)

  • Favorite Female Artist – Myx Music Awards (2017)

  • Favorite Media Soundtrack – Myx Music Awards (2017)

  • Favorite Artist – Myx Music Awards (2016)

  • Favorite Music Video – Myx Music Awards (2016)

  • Favorite Song – Myx Music Awards (2016)

  • Favorite Media Soundtrack – Myx Music Awards (2015)

  • German Moreno Youth Achievement Award – FAMAS Awards (2015)

Naglunsad din si Lustre ng make-up collection na “Lustrous” sa isang international Australian brand na BYS at kauna-unahang Pinay na nakipagcollaborate dito noong 2018.

Mayroon din itong perfume line na tinawag na “Luster” na kanyang pinroduced at nagconceptualized ng konsepto.

Siya rin ang kauna-unahang Pinay ambassador ng H&M kung saan naglabas ito ng swimwear line.

Sumusuporta rin si Nadine sa mga adbokasiya tungkol sa mental health, women’s independence, environmental activist group, at sa COVID-19.

Naging kasintahan siya ni James Reid ngunit naghiwalay rin ngayong taon matapos ang apat na taong relasyon.

Samantala, ngayong araw ang release ng pinakabagong single ni Nadine na “Wildest Dreams” para sa nalalapit nitong album sa ilalim ng Careless Music Manila na pinamamahalaan ni James Reid at ni Bret Jackson. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...