Bidaman Jervy delos Reyes, game sa puwet-pasilip!

Bidaman Jervy delos Reyes, game sa puwet-pasilip!

October 28, 2020 @ 6:21 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Seryoso sa kanyang showbiz career ang Bidaman finalist na si Jervy delos Reyes. 

 

Katunayan, ipinahayag ng gwapitong newbie actor na game siyang sumabak kahit sa pagpapa-sexy sa pelikula.

 

Saad niya, “Yes po, kaya kong gumawa ng sexy projects. Para sa akin kasi, work is work po, eh.”

 

Kung sakali, hanggang saan ang magiging limitations niya sa pagpapa-sexy?

 

Tugon ni Jervy, “Pagdating sa limitations, siguro po kaya ko hanggang sa butt exposures, game rin po ako sa BL series, open po ako riyan.”

 

Si Jervy ay isa sa talents ng Mannix Carancho Artist and Talent Management.

 

Kinuha rin siya ng President at CEO ng Prestige International na si Mannix Carancho at Marketing Director nitong si Amanda Salas bilang endorser ng kanilang produkto.

 

Ang 21 years old na si Jervy ay isa sa casts ng pelikulang ‘Balangiga 1901’ mula sa JF Film Production ni Ms. Jarrimine Fortuna.  

 

Ang pelikula ay pamamahalaan ni Direk Danny Marquez.

 

Ang Battle of Balangiga ay isang historic event at itinuring na one of the bloodiest encounters noong panahon ng Philippine-American war na naganap noong 1899-1902. 

 

Dito kinuha ng mga Amerikano ang tanyag na Balangiga Bells na noon pang 1958 hinihiling na maibalik sa bansa pero nito lang 2018 naisauli.

 

Ipinahayag ni Jervy na labis ang kanyang kagalakan na maging bahagi ng historic film na ito.

 

Aniya, “Sobrang natuwa po ako, ‘di ako makapaniwala, eh. Kasi sobrang laking movie nito tapos historical pa siya. Kumbaga, para sa mga Pinoy talaga ito.

 

“Tapos parang na-overwhelm ako kasi unang-una, first movie ko po ito tapos ganito agad ‘yung naibigay sa aking role. Siyempre ang expected ko po, ‘yung role lang na parang ordinaryo lang. Tapos ngayon po, nabigyan pa ako ng markado talaga.” Nonie Nicasio


  •  
  •  
  •  

Loading...