Biden humirit kay PBBM, human rights pag-usapan

Biden humirit kay PBBM, human rights pag-usapan

September 23, 2022 @ 10:58 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nagpasintabi si United States President Joe Biden kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa unang bilateral talks ng dalawang bansa na gusto nitong pag-usapan nila ng huli ang usapin ng karapatang-pantao.

Nagdaos kasi ang dalawang lider ng bilateral meeting, araw ng Huwebes sa sidelines ng 77th session ng United Nations General Assembly, kung saan sinabi ni Biden kay Pangulong Marcos na nais niyang pag-usapan ang COVID-19 recovery, energy security, renewable energy, South China Sea dispute, at human rights.

“Today, I look forward to discussing the opportunities for a wide range of issues including COVID-19 recovery, energy security, renewable energy. I expect we’ll discuss the South China Sea and disputes in critical global throughway,” ang naging pahayag ni Biden sa nasabing bilateral talks.

“So we want to talk about human rights — several whole range of things. But I’m mainly — I’m interested to know what’s on your mind and how we can continue to strengthen this relationship,” dagdag na pahayag nito.

“The fact is, it’s a critical, critical relationship from our perspective. I hope you feel the same way,” dagdag pa ng US President.

“And our foundations are strong with the US-Philippine alliance which has critical importance.,” aniya pa rin.

Matatandaang, buwan ng Hulyo nang imbitahan ni Biden si Pangulong Marcos na bumisita sa Washington. Kris Jose