Biden muling nagpositibo sa COVID

Biden muling nagpositibo sa COVID

July 31, 2022 @ 2:30 PM 2 weeks ago


WASHINGTON- Muling nagpositibo si US President Joe Biden sa COVID-19 nitong Sabado, dahilan upang ma-extend ang kanyang quarantine, ayon sa mga ulat.

Batay sa liham mula kay presidential physician Dr. Kevin O’Connor, maaaring ito ay “rebound” COVID-19 positivity at sinabing naobserbahan ito sa maliit na porsyento ng mga pasyenteng ginamot gamit ang Paxlovid.

“In the antigen test performed on Saturday morning, it was seen that Biden turned positive again,” ayon kay O’Connor, na sinabing ang resulta ng test ni Biden mula Martes hanggang Biyernes ay kapwa negatibo.

“Folks, today I tested positive for COVID again,” saad sa tweet ni Biden. “This happens with a small minority of folks. I’ve got no symptoms but I am going to isolate for the safety of everyone around me. I’m still at work, and will be back on the road soon.”

Sinabi naman ni White House spokeswoman Karine Jean-Pierre na si Biden ay “asymptomatic, feeling fine, and working in isolation from the Residence to protect others.” RNT/SA